Monday, May 28, 2012

Waiting Shed ( a Gay love story)


"Life is like a coin. You can spend it any way you wish, but you only spend it once."- Lillian Dickson
 
Naniniwala ako sa quote na yan. Kailangan pahalagahan natin ang buhay. We should give meaning to our life. By the way I'm Francis. Isa akong fan fiction writer and reader. Mahilig ako sa mga KPOP singers and bands. Kadalasan sila ang mga pinepair ko sa mga ginagawa kong storya. Isang kategorya na kadalasa'y aking binabasa at sinusulat ay mga Yaoi na fan fiction. Ang yaoi ay isang category ng fan fiction na kung saan ang mga lalaki pinepair sa kapwa lalaki. Bata pa lang ako, I realized that I'm gay. Oo bakla ako pero I'm always on top. I will prove to them that I could succeed at mapapakinabangan nila ako. Yung mga straight guys sa school namin na akala mo ang hot ay di man lang makasalita ng diretsong Ingles! Naiirita ako sa kanila kasi masyado silang feeling! 
 
"Hay tapos na ako sa fan fiction na ginawa ko," bulong ko sa sarili ko
"Francis kain na!" Tinawag na ako ng katulong namin. Hindi ko man lang namamalayan ang oras seven o' clock na pala at kami'y kakain na ng hapunan. Di ko na namamalayan ang oras sa sobrang busy ko sa pagsusulat. Hobby ko na kasi ang magsulat ng fan fictions eh. In some way I find it boring kaya may iba rin akong ginagawa tulad ng paglalaro ng DOTA, nagchachat sa mga friends ko at nagpopost ng kung anu-ano sa mga social networking sites na ginagamit ko. Some of my friends find it boring kasi paulit-ulit kong ginagawa. School, bahay, simbahan. Minsan lang makapagmall dahil busy. Natapos na akong kumain at bumalik sa kwarto para magpahinga. Nagtext muna ako ng kaunti at saka natulog. I'm looking forward for tomorrow's day. Mamemeet ko nanaman ang mga bakla!
 
Sa school.....
"Girl anung happening?" tanong ni Darryl. Si Darryl ay isa sa mga best friends ko. Matalino, mayaman, sporty and he's one of the hottest gay inside our campus. Mukha siyang girl at di na niya kailangang maglipstick dahil pulang pula ang lips niya. Di na rin niya kailangan ng make-up dahil laging pink ang kanyang pisngi. 
"Ayon boring pa rin ang life," tugon ko sa kanya.
"Well magsama-sama tayo ditong mga SMP," sabat ni Perry. Si Perry naman ang chikadorang bestfriend ko. Anak kasi ng teacher kaya maraming alam na news tungkol sa kanila at malakas ang signals at maraming resources. Although hindi naman siya matalino gaya ni Darryl at kasing ganda niya, si Perry ay black beauty. May hawig siya kay Tyra Banks pero boses Gas Abelgas. 
"TAHHMUHHH!" sigaw ni Darryl.
 
Hay kelan kaya darating ang taong magpapainit sa Pasko ko? Well sabi nila, ang lahat ng kaldero ay may nakalaang takip. Totoo yan pero kailan kaya ako makakahanap ng takip?
 
Uwian na at maraming nagtatraysikel. Bwisit! Iniwanan ako ng serbis ko. Wala na akong choice kung di ang mag traysikel. Nakaupo ako sa isang waiting shed. Ayon tahimik, nagaantay ng traysikel at medyo pagod nang may biglang bumasag ng katahimikan. Grupo silang magkakaibigan, nagiingay at nagmumurahan. Mukhang mga bully at feeling kaya di ko na lang pinansin. Nagsialisan na yung iba sa kanila nang biglang binati ako ng isa nilang katropa.
 
"Hi!" Tumingin naman ako sa kanya ngunit siya'y inisnaban ko. He looks handsome naman. His hair is black at kumikinang sa araw, may brown na eyes, matangkad, medyo lighter ang skin at ang kanyang labi ay pink pero still I don't like him. Isa nanaman siyang feelingerong kumag.
 
"Ang taray mo naman," sinabi niya sa'kin.
"Sorry, I don't talk to strangers," tugon ko. 
Dumating na rin sa wakas ang traysikel na matagal ko nang inaantay. Buti na lang at dumating si manong trike kung di nasampal ko na yung taong yun. Nakakaimbyerna siya.
 
Sumunod na araw, kumuha ako ng mga sports equipments sa Field house. Mga 5:30 na ng hapon at ibinalik ko ang bola ng volleyball sa loob ng bodegang iyon. Nagsialisan na ang iba kong mga kaibigan after naming maglaro at ako na lang ang natitira. Sira ang pinto nung field house at mabubukas mo lang siya sa labas at hindi sa loob kaya binuksan ko lang yun. Kapag nasara ko patay sureball walang makakarinig sakin kasi nasa isang liblib na lugar yun. May narinig ako sa loob. May kumakaluskus ng mga bola doon sa bandang dulo. Nakita ko may tao pala and to my surprise, yun yung taong nakita ko sa traysikel. 
 
"Hi," sinabi niya sakin
"Diba sinabi ko na nga sayo I don't talk to strangers?" 
"Eh anu ginagawa mo ngayon?" 
Nagalit na ako ng bonggang bongga! Diyos miyo! My goodness gracious! 
"Pwede ba wag mo na akong kausapin kasi naiirita ako sayo," sinabi ko sa kanya.
"Anu bang problema mo? Wala naman akong ginagawa sayo eh. 
NagHi lang ako tapos tinarayan mo ako," tugon niya.
 
 
Biglang sumara ang pinto. Sinarado siguro ni kuya Rodger, ang binging janitor samin. OMG! Stuck in a room with an epal guy! 
 
 
"Shet!" Bigla akong napamura.
"Anak nang!" Napasigaw siya.
"O God please help me out of here. Ayaw kong kasama dito ang epal 
na to." Humingi ako ng tulong sa Diyos. As in ayaw ko siyang kasama!
"Mas lalo naman po ako Lord. Sana tulungan niyo akong makalabas 
dahil ayaw kong kasama ang mataray na baklang to," tugon niya.
"Shut up!" Sinabi ko sa kanya.
"Nagdadasal nga yung tao eh," hirit ng nakakainis na lalaki.
 
Nagtitimpi  na talaga ako. Pag inasar pa niya ako, nako makakatikim siya ng bonggang bongga, over over at major major na sampal.
 
 
"Alam mo kaya walang nagkakagusto sayo kasi masayado kang 
mataray. NagHi lang yung tao nagtaray ka na! Sige ka baka tumanda 
kang walang asawa" dagdag pa niya. Tinamaan ako sa sinabi niya. Tama nga naman ang sinabi niya mataray ako pero masyado na ba? Tumulo ang luha saking mata.
"Oh! Ba't ka umiiyak? Sorry naman." Humingi siya ng patawad sakin.
"Anung sorry? Ako nga dapat ang humingi ng patawad sayo eh," wika ko.
"Oh so pwede na ba kitang kaibiganin?" Tinanong niya sakin.
"Oo naman," sagot ko. Binawasan ko na katarayan ko.
"Alam mo mas lalo kang gumaganda pag ganyan ka," wika niya.
"I know right?" Sabay tawa kaming dalawa. Nagkwentuhan kaming dalawa ng mga kung anu-ano. Ang sarap niyang kakwentuhan. Nagkakilanlan at nagtanong ng kung anu ano. Pangalan niya ay Christopher Yuri Villanueva. Mahilig siya maglaro ng basketball at soccer.  Matapos nun natulog na siya at ako naman ay hindi pa. Tinitignan ko lang ang buwan at ang mga bituin sa langit. Nakita kong nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha niya. O ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog. Nang nakita ko siya nginig na nginig sa lamig. Tinignan ko ang kanyang kundisyon. Shet! May lagnat siya! Hinubad ko ang jacket ko sa bewang at isinuot ko sa kanya pati ang uniform ko. Dinikit ko siya sa tabi ko at bigla niya akong niyakap. Ako naman si gaga niyakap ko rin dahil baka lamig na lamig. Iyak siya ng iyak siguro epekto na rin ng lagnat niya hanggang sa nakatulog na siya.
 
 
Kinabukasan biglang may nagbukas ng field house.
 
"Mga bata gising na umaga na. Anu ginagawa niyo dito?" Tinanong ng 
isang janitor samin na si Manong Perfecto.
"Manong nalock po kami kagabi dito," sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Ay lumabas muna kayo dito at umuwi muna," wika niya sakin. Lumabas na kami at dinala ko na si Yuri sa bahay namin. Wala naman sila mommy at di nila alam na di ako umuwi kagabi at day off rin ni Ate Ghing, yung katulong namin kaya ako lang ang magisa sa bahay. Binihisan ko siya. Kumuha ako ng mga damit ko na medyo maluwang at isinuot sa kanya. Pati ang kanyang pantalon hinubad ko at pinalitan ng shorts. Naghanda ako ng malamig na tubig na may halong alchohol, nilublob ko yung twalya doon, piniga, pinunasan ang mukha at nilagay ko sa kanyang noo. Inalagaan ko siya ngayong araw. Nagluto ako ng sabaw para higupin niya. Naglabas ako ng gamot para sa flu. 
 
 
"Nasan ako?" Tinanong niya sa akin.
"Nasa bahay ko. Nagkasakit ka kasi kaya napagpasyahan ko na alagaan muna kita," sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba. Panu yan may absent ka na?" Nagaalala niyang tinanong sa akin.
"Madali lang naman makahabol sa mga lessons eh kaya ok lang," sagot ko naman sa kanya.
"Ah ganun ba. Oh sige," tugon niya.
"Eto na ang sabaw. Higupin mo na iyan," wika ko. 
"Salamat," kanyang sinabi. Matapos niyang higupin ang sabaw, siya ay uminom na ng kanyang gamot at nagpahinga. Dumating ang araw at gumaling na siya. Nagkasama kami sa school at nagtutulungan sa mga assignments. Kilala na siya ng aking mga magulang at kilala na rin ako ng nanay niya. Yumao na ang kanyang tatay noong siya ay 12 taong gulang. Masaya siyang kasama at hindi makukumpleto ang araw ko kapag wala siya at hindi niya ako pinapatawa at inaasar. 
 
 
Huling araw na at malapit na mag summer vacation. Lalabas kaming dalawa ni Yuri. Inantay ko siya sa classroom ko ngunit bakit ang tagal niya? Dahil sa tagal niya nakipagusap muna ako sa isa kong kaklase na straight. Kung anu-ano ang pinagusapan namin at tawanan rin kami. Nang nakita ko na si Yuri ako'y sumama na sa kanya. 
"Sino yung kasama mo?" Tinanong niya sakin.
"Ah classmate ko yun," sagot ko sa kanyang tanong.
"Classmate? Eh ba't ganun ka kung makipagtawanan?" Nagtanong muli si Yuri sa akin. 
"Siyempre nakikipagkwentuhan lang naman ako sa kanya ah. Bakit ganyan ka kung makareact sa nakita mo? Eh kung boyfriend ko yun paki mo? Anu ba kita? Diba bestfriend lang naman kita?" Nagalit ako sa kanya. Bakit ba? Diba friends lang naman kami? Tsaka siya na nga ang nagturo sakin na wag mag taray kung walang ginagawa sayo yung tao eh at maging friendly. 
"Ok. Ano nga ba naman ako. Di hamak naman na bestfriend mo LANG ako," wika niya. Talagang inemphasize pa niya ang word na "lang" sa sinabi niya.
"Anu bang problema mo?" Tinanong ko siya at di siya makasagot.
 
"Makaalis na nga," wika ko. Umalis ako at ayaw ko na matuloy ang lakad naming dalawa. Buong bakasyon, hindi ko siya pinansin, maging sa chat man o sa text. Hanggang sa sinabi sa'kin ng mga magulang ko na aalis na kami papuntang  states. Marami akong iiwan sila Yuri at iba ko pang mga kaibigan. Nagpaalam ako sa mga sis ko na sina Darryl, Perry, Bon, Louie, Ron, Edward at si Landy ngunit di pa ako nakakapagpaalam kay Yuri. Di ko alam kung pano ako magsosorry sa kanya. Mamimiss ko yung lalaking yun. Oo aaminin ko na mahal na mahal ko siya at sobrang namimiss ko siya ngunit kailangan ko na talagang umalis. 
At umalis na nga ako ng bansa. Habang nasa eroplano ako umiiyak ako at nalulungkot. Nakita ako ng nanay kong umiiyak.
 
"Bakit ka umiiyak?" Tinanong ako ng nanay ko.
"Kasi di man lang ako nakapagsorry sa mahal ko at di ko man lang 
nasabi sa kanya na mahal ko siya," sagot ko sa kanya.
"Ah si Yuri ba?" Tinanong ako ulit.
"Oo ma. Siya nga," sagot ko naman.
"Edi sabihin mo sa kanya sa chat," suhestiyon ng aking ina
"Gusto ko kasi personal para makita niya na sincere ako kaso ang hirap," dagdag ko.
"Oh! Edi sabihin mo na sakin ngayon," sabat ng isang lalaki sa eroplano. Nagulat ako at tinignan ko siya. Si Yuri panaginip lang ba to? Kung panaginip lang to wag na sana ako magising. 
"Y-Yuri?" Ako ay nautal. 
"Ako nga to. Ngayon aminin mo sakin kung mahal mo ba ako?" 
"Oo. Mahal na mahal," wika ko.
"Mahal na mahal rin kita. Simula noong una pa lang kitang makilala," 
sagot niya. Bigla ko siyang niyakap at doon sa loob ng eroplano nagpalakpakan lahat ng tao. Umiiyak ako sa saya habang magkayakap kami.
"Sorry dahil iniwan kita sa ere," bulong ko sa kanya habang kami ay  magkayakap. 
"Kahit san ka magpunta susundan kita," tugon niya. Umupo na kami ng maayos at nagusap.
"Salamat po tita," sabi niya sa nanay ko.
"Walang anuman," tugon ni ina.
"Nagtulungan kayong dalawa?" Tinanong ko si Yuri.
"Balak kasi namin surpresahin ka," tugon niya
"Ito ang pinakagusto kong regalo sa buhay ko," sabi ko sa sarili ko.
 
Sa States namin tinupad ang aming mga pangarap. Nangmatupad ang aming mga pangarap kami'y nagpakasal at bumalik sa Pilipinas para manirahan at magtrabaho. 
 
 
Minsan sa kailangan nating maging patient sa buhay natin. Para ka lang nagaantay sa waiting shed pag dumating na ang traysikel dadalhin nila tayo sa gusto nating destinasyon. Ganun din sa love pag dumating na ang iyong kaparis dadalhin ka nila sa gusto nating destinasyon sa buhay.

7 comments:

  1. naiyak ako.... naalala ko tuloy nung nag graduate ako ng hayskul di ko inexpect na pumunta ang crush ko sa bahay at binati ako ng happy graduation.....mas pinili niyang makisalo sa amin kaysa sa iba kung schoolmate.... sobrang gwapo talaga niya.... smile palang kahit stranger ok lang papasukin ko talaga .....crush ko yon eh..... pati ngayong tapos na ako ng college single pa rin siya at piling ko ako ang hinihintay niya..... love him at di nga ako nagkamali may gusto talaga siya sa akin nalaman ko yon nung nasa beach ako sumabay pala siya ng hindi ko alam tapos un naglasing siya ako umalalay sa kanya tapos nung sabi ko ihahatid ko siya sa tent at sabi ko magpahinga na siya bigla nalang niya akong kinabig pababa kaya napayakap ako sa kanya at sinabing dito ka muna samahan mo ako.....na miss kita eh..... tapos un alam niyo na.....hay!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. parang fiction naman toh---isang storya na nagbibigay falsehopes sa mga gays

    ReplyDelete
  3. literal na fiction ito ah!

    ReplyDelete
  4. Unggoy pinatunayan mo pang totoong nangyari to sayo.... Unang una kahit tangap ng magulang ang kabaklaan ng anak Di magkakamaling ibigay ang lahat ng kabaklaan ng isang mapagmahal na ina lalong lalo na pagdating sa nota... Basahin mong mabuti ang sinulat mo at try mong isipin na ibang Tao ang nag sulat kung hindi ka magwala....hahaha sorry no offense kase dapat una palang sinabi mo na ang nilalahad ay pawang imahinasyon lang at walang katotohanan....

    ReplyDelete
  5. Omg fiction talaga to ako may gawa! Sa dati ko tong blog at lahat ng nakalagay doon ay puro fiction at product ng imagination nakalagay na sa blog ko noon. At nung highschool inspired to sa mga crushes ko. And my ex bf. Shet :/

    ReplyDelete
  6. Medyo nakornihan ako pero ok narin fiction nga ehh,, pero mas maganda sana kung may katotohanan ang ibang detalye, na wirduhan Lng ako sa part na nasa eropLano nung nagyakapan tapos nagpaLakpakan ung mga tao, SUPERWEIRD hehe :)

    ReplyDelete
  7. Na carried away ako sa story mo. Sana ganyan din sakin

    ReplyDelete