Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang
nagisa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng
pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging
lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na
ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi
pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita,
palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa
mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag
babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel
ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
Parang baliktad yata?
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat
pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman
nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na
seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak
ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin
eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo,
babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang
kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang
magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na,
balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o
kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di
sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila
sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa
kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw
nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba,
masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang
maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino
rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful?
Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga
bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake
kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa.
Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa
bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.
Tungkol
naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand!
Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami,
icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig
sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang
maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang
isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat
ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of
maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya
niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon
diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun
bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin
papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila
kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos
kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag
natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw
ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang
nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na
iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal
pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung
anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka
after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda
ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend
ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay
to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi
rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
ReplyDelete